Pinabulaanan kahapon ng hinihinalang Eastern Visayas drug lord na si Kerwin Espinosa ang akusasyong “ready made” ang affidavit na ibinigay niya sa pulisya.

Sa pahayag na isinapubliko sa pamamagitan ng abogado niyang si Atty. Lani Villarino, sinabi ni Kerwin na kasinungalingan ang alegasyon ng dating hepe ng Albuera Municipal Police na si Chief Insp. Jovie Espenido na ginawa nang advance ang kanyang affidavit.

“PCI Espenido alleged that my affidavit is ready made. This is absolutely false,” ani Kerwin.

“I was interrogated by the AIDG (Anti-Illegal Drugs Group) and all throughout the taking of my affidavit until I swore before the lawyers from the PAO (Public Attorney’s Office), everything was recorded, both audio and video and pictures were also taken.”

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

Itinanggi rin ni Kerwin na may plano siyang patayin si Espenido, sinabing 24-oras siyang guwardiyado ng awtoridad at wala rin umano siyang access sa kanyang cell phone.

Kaugnay nito, humihirit naman si Kerwin ng proteksiyon para sa kanyang mga anak, sinabing natatakot siya na baka ang kanyang mga anak ang buweltahan ng malalaking personalidad na iniugnay niya sa operasyon ng droga.

(Francis Wakefield at Beth Camia)