PRESENT sa grand presscon ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño-Seguerra at kasama si MMDA Chairman Tim Orbos, at binanggit na “back to its roots” ang film festival.

Kaya sa Manila City Hall magsisimula ang Parade of Stars sa December 23, dadaan sa Plaza Lawton at magtatapos sa Plaza Miranda.

Binanggit din nila ang pagbabalik sa 10-day run ng filmfest. Kaya sa January 3, 2017 magtatapos ang MMFF at hindi na sa nakaugalian nang Jan. 6. Kaya kinumbinse ng dalawa at ng pamunuan ng MMFF na manood na ang tao ng mga pelikula sa filmfest sa unang araw pa lang.

Dagdag na magandang balita ang binanggit ni Liza na para mas maengganyo ang tao na manood ng filmfest entries, bibigyan ng 30 percent discount ang mga estudyante, senior citizens at ang Persons With Disabilities o PWD. Kailangan lang magpakita ng valid ID at papapasukin na sila sa mga sinehan.

Tsika at Intriga

Yassi Pressman sinita dahil sa pandesal, bumwelta agad

Mas na-excite ang moviegoers na abangan ang mapipiling winners sa awards night ng MMFF dahil isa si John Lloyd Cruz sa mga hurado. Makakasama ni Lloydie sina Mr. Pablo Bertolin ng Venice filmfest, Mr. Philip Cheah ng Singapore filmfest, Mr. Johnny Revilla, Ms. Mio Tiongson, Direk Antoinette Jadaone, Mr. Vince Reyes (AdFoundation) at Fr. Tito Caluag.

Sila ang pipili ng winners sa iba’t ibang kategorya mula sa mga pelikulang Kabisera, Oro, Saving Sally, Die Beautiful, Sunday Beauty Queen, Seklusyon, Babae Sa Septic Tabk 2 (Forever is Not Enough) at Vince & Kath & James.

(Nitz Miralles)