ballet-manila-copy

ITATANGHAL ang all-Filipino Christmas ballet na pinamagatang Kutitap sa Aliw Theater sa buong kapaskuhan at ito ay bibigyang-buhay ng mahuhusay na mananayaw ng Ballet Manila.

Ang mga tradisyon nating mga Pilipino tuwing Pasko gaya ng Simbang Gabi, Noche Buena, at maging ang pag-uwi sa pamilya ng mga OFW sa ibang bansa ay tampok din sa palabas.

Ang kuwento ng pagtatanghal ay tungkol sa isang anghel na isinugo sa lupa at nagkatawang-tao bilang isang lumpo.

Human-Interest

Guro sa Iligan City, may pa-classroom pantry

Matutuklasan niya ang triangulong pag-iibigan ng isang drayber ng pedicab, isang mananayaw ng ballet, at isang mayamang lalaki. Sa mararanasang kaguluhan sa lungsod at sa pagbabagong-loob ng pamilyang mayaman ay muli siyang magiging anghel upang bigyan-daan ang kapaskuhan.

Halaw ang Kutitap sa choreography nina Lisa Macuja-Elizalde, Osias Barroso, Rudy de Dios, Gerardo Francisco, Nino Guevarra, Michael Divinagracia, Ricardo Mallari, Romeo Peralta at Roduardo Ma. Ang mga awiting pamasko na inareglo ni Arnold Buena ay gagamitin sa pagtatanghal.

“Hindi lang magdudulot ng saya ang Ballet Manila, bagkus, mapapaisip pa namin ang mga manonood ukol sa mga mensahe ng Pasko, lalo na para sa mga kabataan,” pahayag ni Lisa.

Gaganapin ang Kutitap sa Disyembre 17, 18, 20, 21, 22, 23, 26, 27, 28, 29, at 30, sa ganap na ika-7:00 ng gabi.

Magkakaroon din ng matinee sa Disyembre 25 at sa Enero 1 sa ganap na ika-4:00 ng hapon, at karagdagang pagtatanghal ng alas-10:00 ng gabi.

Ang palabas ay free admission para sa mga papunta ng Star City at ito ay first-come, first-served. Tumawag lamang sa 832-3713 para sa mga karagdagang detalye.