Apat na katao, kabilang ang isang mag-asawa na umano’y kolektor ng mga big-time drug lord, ang nadakip matapos salakayin ang tinutuluyan nilang condominium sa Caloocan City, nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay NPD Director Police Sr. Supt. Roberto Fajardo, kinilala ang mga nadakip na sina Charles Sy, 52; Arthur Sy, 48; at ang mag-asawang Maricar at Glen Bernardo.

Ayon sa opisyal, dakong 4:00 ng hapon, sa bisa ng search warrant, nang salakayin nila ang condo unit ng mga suspek sa Barangay 62, Grace Park, Caloocan City.

Narekober sa mga suspek ang P700,000 cash, isang pakete ng shabu, mga ATM at tseke mula sa China na bilyun-bilyon ang halaga.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Todo-tanggi ang mga suspek sa akusasyon sa kanila at ang itinuturong mastermind ay isang nagngangalang Charlie Ang, na nasa China.

“Kakailanganin namin ng magagaling na accountant, kasi nakakalula ang transaksiyon nila. Hindi lang daan milyon kundi bilyun-bilyon na,” ayon kay Fajardo.

Sinampahan na ng mga kasong paglabag sa R.A 9165 at Anti-Money Laundering Law ang mga naarestong suspek.

(Orly Barcala)