TINUTUTUKAN na naman ng iba’t ibang imbestigasyon ang umano’y pangongotong nina Bureau of Immigration (BI) Associate Commissioner Al C. Argosino at Michael B. Robles kay business tycoon Jack Lam. Si Lam ay nag-o-operate ng online gambling sa Fortuna Resort and Casino sa Clark, Pampanga at mga Chinese ang ilegal na nagtrabaho rito.

Ipinasara ng BI ang casino ni Lam at dinakip ang kanyang 1,316 na Chinese worker. Hiningian nito ng tulong si retired Chief Supt. Wally Sombero na nagsabing humingi ng P50 milyon ang dalawang opisyal bilang kapalit sa pagpapalaya sa 600 sa 1,316 na dinakip ng BI. Nakuha ng CCTV ang pagtanggap ng dalawa sa salapi na nasa limang kahon mula kay Sombero.

Sina BI Commissioner Jaime Morente at DoJ Secretary Vitaliano Aguirre II ang nag-utos ng magkahiwalay na imbestigasyon. May balak na rin ang Ombudsman na gumawa ng sariling imbestigasyon. Higit na karapat-dapat ang Ombudsman ang mag-imbestiga nito.

Mahirap isipin na trinabaho lamang nina Argosino at Robles ang pangingikil na ito. Kaya, hindi dapat magsagawa ng kani-kaniyang imbestigasyon sina Morente at Aguirre. Magkakaroon lang ng tapikan at hindi lalabas ang tunay na naganap at kung sinu-sino ang kasabwat ng dalawa.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Iyon lang nasa kustodya ng NBI si Sombero ay hindi mo na maasahan na bubuuin niya ang larawan ng pangingikil na ito.

Walang pinagkaiba ang sitwasyon niya ngayon sa sitwasyon nina Ronnie Dayan at Kerwin Espinosa o kaya ng mga sentensiyadong preso na tumestigo laban kay Sen. Leila de Lima. Wala silang sapat na kalayaan para isiwalat ang lahat ng nalalaman nila dahil iisipin din nila ang kanilang kaligtasan.

Bakit hindi ka magdududa na ang pangingikil ay kagagawan lamang ng dalawa? Una, bago pa lang sila sa puwesto.

Mangingimi o matatakot silang gumawa ng ganitong uri ng anomalya na mismomg si Pangulong Digong ang nagsabing kinamumuhian niya. Kung ano ang galit niya sa ilegal na droga, ganito rin sa corruption. Ito kasi, aniya, ang pangunahing dahilan kung bakit hindi tayo... umuunlad. Ikalawa, malakas ang loob nilang gawin ito dahil may basbas ang higit na makapangyarihan sa kanila. Pero, kahit paano, alam nila na kapag nagkaaberya ang kanilang ginawa, na siya ngayong nangyari, dadamputin sila sa kangkungan.

Sa nangyayari ngayon, nakangiting aso si Lam kasi pera-pera lang pala ang katapat ng kampanya ng Pangulo laban sa corruption, kaya lang malakihan ang halaga. (Ric Valmonte)