CARMONA — Nagbunga ang pagtitiyaga ng Low Profile nang lagpasan ang tatlong liyamadong karibal sa huling 400 metro para angkinin ang kampeonato sa 2016 PCSO Presidential Gold cup Race kamakailan sa San Lazaro Leisure Park.

Sumabak ang Low Profile, isang limang taong stallion, sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang dalawang buwang pagpapagaling mula sa sakit na nakuha sa kanyang huling karera.

Sakay ang 30-anyos na si Domingo, pinagmasdan muna ni ‘Low Profile’ ang birada ng Skyway, Dewey Boulevard, Lakan at Hooks bago humataw para tampukan ang 2,000-meter race.

Kahit paunti-unti, nalagpasan ng Low Profile ang mga karibal at tumapos n may apat na kabayong layo sa Skyway tungo sa tyempong dalawang minuto at 7.4 segundo.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Pangalawa ang Skyway, sakay si jockey AP Asuncion, kasunod ang Kanlaon, sakay si Val Dilema.

Bunsod ng panalo, maagang nakabalik ang Low Profile, pag-aari ni Ruben Dimacuha mula sa ikaapat na puwestong pagtatapos sa PCSO Anniversary Race nitong Oktubre.

“Nagkaproblema siya sa isang race. Naayos namin. Nag-adjust kami. Hindi namin masyado binigyan ng hard work sa practice,” pahayag ni Domingo.

Napagwagihan ng Low Profile ang top prize na P3 milyon para sa may-ari, habang naguwi ang Skyway ng P1 million at nabiyayaan ang Kanlaon ng P500,000.

Ayon kay trainer Conrado Vicente, naapektuhan ang kalusugan ng Low Profile dulot nang pabago-bagong panahon sa kasalukuyan.

“Naayos na ito. Nu’ng hinahanda naming siya, maganda ang workout. Mabilis siya. Pero kailangan sumunod lang siya sa umpisa ng karera. Pero sa last 400, du’n ko nakita na mananalo siya sa takbo niya,” sambit ni Vicente.

Sa iba pang resulta ng karera, napagwagihan ng Sepfourteen ni JA Guce ang P1.5 milyon top prize sa Philracom Juvenile Championship Stakes Race.

Bumida naman ang Tarzana sa 2016 PCSO National Orthopedic Hospital Trophy Race Division, habang nasungkit ng Luneta Park ang Division III honor