si-barbie-at-ang-kanyang-apat-na-leading-men-copy

ANG rom-com series ni Barbie Forteza na Meant To Be ang unang ipapalabas sa batch ng mga bagong show ng GMA-7. Sa January 9, 2017 ang pilot ng serye na apat ang leading men ni Barbie kaya ngayon pa lang ay madalas nang pagdiskusyunan ng fans kung sino kina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj at Jak Roberto ang mas bagay kay Barbie who plays Billie in the series.

May exclusive contract sa GMA Artist Center si Ivan, 26 years old Filipino-American na isinilang sa Los Angeles, California, TV host, stage actor and model. Siya ang hinalikan ni Katy Perry during her 2012 Manila concert. Sa rom-com series, siya si Ethan Spencer Hughes, a handsome Fil-British chef.

Si Addy ay 21 years old, a full-blooded Indian na agad nagustuhan ang Manila nang unang pumunta rito bilang exchange student ng Ateneo de Manila University. He is a sports buff, model and famous social media personality because of his Tagalog songs. Sa series, he plays Jai Patel, a funny and naughty Indian from Mumbai

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Si Jak ay taga-Nagcarlan, Laguna at nagsimula sa Walang Tulugan. He is 22 years old at napapanood sa Dear Uge at Bubble Gang. Siya ang Kapuso hunk na laging nakahubad sa kanyang mga eksena sa dalawang TV shows. Sa series, siya si Macoy dela Cruz, promdi, torpe at galing sa middle class family.

Si Ken ay 23 years old Filipino-Chinese actor and host.Una siyang napanood sa Reel Love Presents Tween Hearts at nagbida sa top-rating Afternoon Prime soap na Destiny Rose. Sa series, siya si Yuan Lee, a Chinoy bad boy na malayo sa tao.

May tawag na ang kani-kanyang fans sa team up ni Barbie sa apat. #VanBie for Ivan and Barbie; #AddBie for Addy and Barbie; JakBie for Jak and Barbie; at #KenBie for Ken and Barbie.