gabby-eigenmann-copy

PAALIS ngayong araw si Gabby Eigenmann with his family patungong New York para sa katuparan ng kanyang big dream.

Number one sa kanyang bucket list ang makapanood ng NBA games sa New York, sa mismong Christmas Day, sa Madison Garden.

“Matagal kong pinag-ipunan ito,” natatawang kuwento ni Gabby nang dalawin namin sa set ng Sa Piling ni Nanay sa Clark, Pampanga. “Ako lang mag-isa ang manonood, at iyon ang best Chrishmas gift na maibibigay ko sa sarili ko. Kaya pagbalik namin sa January 7, 2017, work, work ako dahil dalawa na ang soap na gagawin ko. Tatapusin ko ang taping namin nito at pagkatapos, taping ko na ng My Love From The Star (MLFTS).”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Inamin ni Gabby na nag-worry siya nang hindi matuloy noon ang unang na-sked na taping ng MLFTS dahil naghanap pa ang GMA-7 ng magiging leading man ni Jennylyn Mercado sa remake ng koreanovelang sinubaybayan dito sa atin two years ago.

Wala siyang ibang project noon.

“Pero hindi ako pinabayaan ng GMA, nag-guest ako sa iba’t ibang drama shows nila until isinama nga nila ako rito sa Sa Piling ni Nanay, with Mark Herras, Katrina Halili at Yasmien Kurdi. Ako ang naging tagapagtanggol dito ni Isabelle (Yasmien) laban kay Scarlet (Katrina). At ang maganda, hanggang sa matapos ang afternoon prime drama, kasama pa rin ako.

“At pagbalik ko nga next year, start na rin ako ng taping ng MLFTS as Jackson Librado, ang kontrabida sa buhay nina Steffi (Jennylyn) at Matteo Do (Gil Cuerva). Sina Jen at Gil, nagsimula nang mag-taping.”

Ayaw nang magkomento ni Gabby tungkol sa issue ng kapatid na si Andi Eigenmann dahil open na rin naman daw ang usapan tungkol sa anak nitong si Ellie at sa tunay na ama nitong si Jake Ejercito. Siguro raw kung naging tagapagtanggol siya ng kapatid niya noon, time na ngayon na siya naman ang magsalita.

“Basta narito lang ako para sa kanila, sinuman sa aking pamilya, handa akong tumulong at umunawa sa kanila,” sabi ni Gabby.

Imi-meet niya at ng kanyang pamilya ang family ng Tita Cherie Gil niya sa Florida, ang grandparents nila, at si AJ Eigenmann, ang bunsong anak ni Ms. Gina Alajar na naka-base na sa Las Vegas.