Nagkalat talaga ang mga holdaper at magnanakaw tuwing holiday season.

Sampu sa mga pasahero ng isang bus ang hinoldap ng tatlong ‘di pa nakikilalang lalaki habang bumibiyahe sa Taft Avenue, Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Manila Police District (MPD), pasado 5:00 ng madaling araw hinoldap ang mga pasahero ng HM Transport Bus, na may biyaheng Lawton-Alabang, sa bahagi ng J. Nakpil Street, kanto ng Taft Avenue, Malate, Maynila.

Ayon kay Rizalino Carumba, driver ng bus, bumibiyahe sila pa-Alabang nang sumakay ang mga suspek, tinatayang nasa edad 40 hanggang 45, at nagpanggap na pasahero.

Resulta ng drug test ni Nograles, lumabas na!

Aniya, hindi nagdeklara ng holdap ang mga suspek at sa halip ay agad siyang tinutukan ng baril ng isa sa mga ito habang ang dalawa nitong kasamahan ang nangulimbat sa mga pera, cell phone, alahas at mahahalagang gamit ng kanyang mga pasahero.

Wala namang nagawa ang mga biktima matapos silang takutin ng mga suspek na pasasabugin ang sinasakyang bus.