SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Dahil sa sobrang kahihiyan, nagpatiwakal ang 39-anyos na treasurer ng Rapoc City Public Market Drivers’ Association makaraang niya umanong tangayin ang koleksiyon para sa Christmas party na hindi naidaos nitong Linggo, at labis na ikinagalit ng mga miyembro ng samahan.
Ayon kay Supt. Reynaldo Dela Cruz, hepe ng San Jose City Police, natagpuang nakabigti si Edwin Ong, treasurer ng samahan, sa abandonadong bahay ni Lucena Cunan dakong 6:00 ng umaga kahapon.
Nabatid na nadismaya ang mga miyembro ng asosasyon nang hindi matuloy ang Christmas party nila nitong Linggo dahil sa kabiguan ni Ong na mai-remit ang kabuuang koleksiyon ng mga kasapi, na gagamitin sana sa okasyon.
Sinabi ng ilang kaanak na nagdalang-hiya si Ong sa nangyari kaya nagbigti ito. (Light A. Nolasco)