Patay ang isang babae na umano’y asset ng mga pulis matapos tambangan at pagbabarilin ng isang hinihinalang drug pusher sa Malabon City kamakalawa.

Dead on the spot ang biktima na kinilala sa alyas na “Miramar”, nasa hustong gulang, sanhi ng mga tama ng bala ng cal. 45 sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman ang suspek na si Jerico Guerrero, alyas “Jaco”, ng No. 19 P. Concepcion Street, Barangay Tugatog, Malabon City.

Base sa imbestigasyon, dakong 11:30 ng tanghali nangyari ang pananambang sa Tumarez St., Bgy. Tugatog ng nasabing lungsod.

Ayon sa isang saksi, tumangging magpabanggit ng pangalan, nakita niyang naglalakad si Marimar sa nasabing lugar nang harangin ni Guerrero at walang awang pinagbabaril.

Politics

Baste Duterte, Raffy Tulfo, Vico Sotto, nanguna sa pinakabagong Senatorial Survey —Arkipelago Analytics

Kilalang umanong tulak ng ilegal na droga ang suspek at pinaghihinalaan nitong asset ng mga pulis ang biktima.

(Orly L. Barcala)