Isang 16-anyos na lalaki ang pinagtataga ng mga lalaki na umano’y miyembro ng kaaway nitong fraternity group sa Tondo, Maynila kamakalawa.
Sugatan ngunit ngunit maayos na ang kondisyon ni Melchor, 16, miyembro ng Frat To be Weed Man (FTWM), at residente ng Tondo, Maynila.
Mabilis namang nagsitakas ang mga ‘di pa nakikilalang suspek, pawang ka-edad ni Lustre, nang makitang duguan na ang biktima.
Sa ulat ni Police Supt. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, dakong 5:45 ng hapon ay nakatambay ang biktima at kaibigan niyang si Mary Jane, 17, sa Herbosa St., kanto ng F. Varona St., Tondo habang hinihintay ang iba pa nilang kaibigan nang bigla silang lapitan ng mga suspek.
Maya-maya pa’y sinuntok umano ng isa sa mga suspek ang biktima habang isa pa, armado ng itak, ang tumaga sa kanyang ulo at kanang kamay at kumaripas palayo. (Mary Ann Santiago)