ogie-alcasid-with-rey-valera-in-the-tawag-ng-tanghalan-panel-copy

KAPAMILYA na ang respetadong singer-songwriter na si Ogie Alcasid simula nang opisyal na siyang ipakilala bilang isa sa mga hurado ng ‘Tawag ng Tanghalan’ (TNT) sa It’s Showtime nitong nakaraang Sabado.

Gaya ng ibang mga hurado sa inaabangang patimpalak sa kantahan tuwing tanghali, kikilatisin ni Ogie ang performances ng singing contenders mula Luzon, Visayas, Mindanao, at Metro Manila.

Unang araw pa lang ni Ogie sa ‘TNT’ ay pinasaya na niya ang madlang pipol sa kanyang komentaryo na laging may kasamang nakakatawang biro.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Nitong nakaraang Linggo ng gabi naman sa Pinoy Boyband Superstar: The Grand Reveal, pinangalanan din siya na magiging isa sa judges ng Your Face Sounds Familiar: Kids na magsisimula sa 2017.

Sa ngayon, nasa huling quarter na sa kumpetisyon sa ‘TNT’ sina Hazelyn Cascano ng Metro Manila, Jeramie Sanico ng Mindanao, at Sam Mangubat at Froilan Canlas ng Luzon bilang semi-finalists.

Huwag palampasin ang galing ng Pinoy sa kantahan ng singing competition na minahal ng masa, ang ‘Tawag ng Tanghalan, sa It’s Showtime tuwing tanghali sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).