efren-copy

PASOK ang dalawang Pilipino na sina Efren Peñaflorida at Robin Lim sa limang nominado para sa CNN SuperHero, isang natatanging pagkilala bilang pagdiriwang sa ika-10 anibersaryo ng CNN Heroes award sa 2017.

Ang CNN Heroes ay taunang television special na nagbibigay parangal sa mga indibiduwal na may kontribusyon sa humanitarian aid at sa mga taong gumagawa ng pagbabago sa kanilang mga komunidad.

Noong 2009, kinilala si Peñaflorida bilang CNN Hero para sa kanyang proyektong “pushcart classroom” na nagbibigay edukasyon gamit ang kariton sa mga Pilipinong out-of-school youth sa tulong ng kanyang nonprofit na Dynamic Teen Company.

Trending

Netizen na siningil ng manliligaw sa ₱7k bill ng date nila, sinabihang 'PG' at 'mapagsamantala'

Samantala, hinirang naman si Robin Lim bilang 2011 CNN Hero para sa kanyang Bumi Sehat organization, na nagbibigay ng medical care sa higit 300,000 mahihirap na pasyente sa Indonesia at Pilipinas, partikular sa paglaban ng maternal at infant mortality.

Makakatunggali nina Efren at Robin ang mga nakapasok ding CNN Heroes sina Liz McCartney, CNN Hero 2008; Pushpa Basnet, CNN Hero 2012; Chad Pregracker, CNN Hero 2013.

Makatatanggap ang limang CNN Heroes ng $10,000 (tinatayang P490,000) para maipagpatuloy ang kanilang gawain.

Makatatanggap naman ng $50,000 (tinatayang P2.4 million) ang kikilalaning CNN SuperHero.

Nagsimula na ang botohan noong Biyernes, Disyembre 9 sa “CNN SuperHero: Above and Beyond” special, nang ipakita ni Anderson Cooper ang limang bayani sa kanilang “work and evolution since they were honored.”

Ihahayag ang may pinakamaraming boto bilang panalo sa special All-Star Tribute program. (MB Online)