Sa halip na sa admin holding area ang kanlungan, ipinatapon sa Isabela City, Basilan ang siyam na pulis-Caloocan na sangkot sa pagnanakaw.

Galit na galit na hinarap ni Police Sr. Supt. Johnson Almazan ang mga pulis na sina SPO2 Noli Alabis, SPO2 Remegio Valderama, PO2 Jay Jano, PO2 John Francis Tagaus, PO1 John Rey Dela Cruz, PO1 Jarloman Donato, PO1 Alexander Buhayo Jr., at PO1 Rodie Germinia.

Kahit nasa Basilan na ang siyam na pulis, ayon kay Almazan, obligado ang mga ito na lumuwas sa Maynila para sa pagdinig ng kanilang mga kaso.

Magugunita na pinasok at pinagnakawan ng siyam na pulis ang ilang bahay sa Barangay 187, Tala, Caloocan City noong Disyembre 5, 2016. (Orly L. Barcala)

May lason? EcoWaste may babala 'di awtorisadong bersyon ng Labubu dolls