Matapos tadtarin ng bala sa katawan, pinagnakawan pa ang isang lalaki ng mga armadong lulan sa motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot ang biktima na kinilalang si Arnie Mariano, 36, ng Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng cal. 45 sa katawan at ulo.
Ayon sa report, dakong 10:00 ng gabi, naglalakad si Mariano sa kahabaan ng Bagong Silang nang sumulpot ang mga suspek at makailang beses binaril ang una ng nakaangkas na suspek.
Kahit duguan, nagawa pa umanong makatakbo ng biktima ngunit hinabol pa ito ng mga suspek at sabay nilang binaril ang biktima.
Hindi pa nakuntento ang mga suspek at nang masigurong patay na si Mariano ay tinangay ng mga ito ang tatlong cell phone ng biktima. (Orly L. Barcala)