Hiniling ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang isang sindikato na sangkot umano sa paggawa ng mga pekeng National Certificate (NC) at Certificate of Competency (COC) na tanging sa ahensiya lamang makukuha.

Sinabi ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong na “extremely concerned” siya tungkol sa pamamahagi ng mga pekeng assessment certificate sa bansa dahil “it besmirches the image and credibility of TESDA.”

Batay sa iba’t ibang report na nakarating sa TESDA, isang sindikato ang nasa likod ng paggawa ng mga pekeng sertipikasyon na ibinebenta sa publiko, na gumagamit naman sa mga ito sa pag-a-apply ng trabaho.

Sinabi pa ni Mamondiong na nagulat siya dahil security paper ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang ginagamit sa mga pekeng sertipikasyon.

Eleksyon

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR

Kaugnay nito, nagbabala si Mamondiong sa publiko na labag sa batas ang pagtangkilik sa mga pekeng sertipikasyon.

(Martin A. Sadongdong)