Ipinag-utos na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang umano’y massive pay-offs sa Bureau of Immigration (BI) na may kinalaman sa pagkakaaresto sa 1,316 na Chinese na sangkot sa illegal online gambling operations sa Clark, Pampanga.

Ayon sa DoJ chief, nais niyang malaman ang katotohanan sa napaulat na nagkaroon ng pay-off sa BI matapos madakip ang mga Chinese na ilegal na nagtatrabaho sa Fontana Leisure Park and Casino sa Clark.

“I have tasked the NBI to probe for the truth behind these allegations,” saad sa pahayag ni Aguirre. “We will leave no stone unturned and there will be no sacred cows. We will hold those found accountable.”

Ikinagalit ni Aguirre ang naturang balita at sinabing wala siyang sasantuhin sa mga tiwaling empleyado ng gobyerno na nasa ilalim ng DoJ—kabilang ang BI.

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pag-aresto sa Macau-based businessman na si Jack Lam, na nagmamay-ari sa Fontana, dahil sa isyu ng suhulan, ngunit nakalabas na sa bansa ang tycoon. (Beth Camia)