Bangkay na nang matagpuan ang isang lalaki sa ilalim ng footbridge sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Ramil Lipa, 41, ng No. 68 M. Aguilar Street, Barangay Balongbato, Quezon City.
Si Lipa na nagtamo ng saksak sa kaliwang dibdib ay natagpuan ni Rico Lagman sa ilalim ng footbridge sa Bgy. Balongbato, Quezon City, dakong 4:00 ng madaling araw.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Rudy Erano ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), pauwi na ang biktima at bago umakyat sa footbridge ay bigla na lamang siyang inatake at sinaksak ng hindi pa nakikilalang suspek.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at kasalukuyang tinutugis ang suspek. (Jun Fabon)