Isang lalaki na kilala umanong tulak ng ilegal na droga ang pinagbabaril hanggang sa napatay ng apat na armado sa Pateros, nitong Sabado ng gabi.

Dead on the spot si Quintin Limochin y Dacanay, 45, ng No. 368 G. Flores Street, Barangay San Pedro ng nasabing munisipalidad, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng apat na suspek na pawang nakasuot ng bonnet at sakay sa motorsiklong walang plaka.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Jacinto Lauigan, Jr. ng Pateros Police Station, dakong 11:30 ng gabi nangyari ang insidente sa G. Flores St., Bgy. San Pedro.

Nakatambay lang umano ang biktima nang sumulpot ang mga armadong lalaki at pinagtulungang barilin si Limochin.

Metro

Construction worker, na posibleng sampahan ng kaso dahil sa pananakit ng live-in partner, nag-suicide

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)