NASISIGURO kong pumapalakpak, pati na ang mga tenga, ng mga pulis na nagbabalatkayong kakampi ng pamahalaan sa laban nito sa ilegal na droga, ngunit mga talamak namang protektor ng mga drug lord, matapos kampihan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang mga pulis na nakapatay kay Mayor Rolando Espinosa, at isantabi ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsasabing kasong murder ang dapat na isampa laban sa mga pulis na ito.

Malinaw ang resultang hindi ito SHOOTOUT bagkus ito ay isang RUBOUT – sa imbestigasyong inilabas ng NBI sa kasong ito na ang pinagbatayan ay mga sinumpaang salaysay ng mga testigo; ang mga hindi maipaliwanag na mga kakatwang pangyayari gaya nang maagang pagtawag sa SOCO, pagkuha ng search warrant na hindi naman kailangan at wala sa oras nitong pagsisilbi; at mga maka-sayantipikong resulta ng ballistic examination na nagpapakitang si Mayor Espinosa ay binaril nang walang kalaban-laban habang nagmamakaawa.

Ngunit malinaw din at nakabibingi pa nga para sa mga nagtrabahong imbestigador ng NBI ang pahayag ni PRRD hinggil dito – “I will not allow these guys to go to prison maski sabihin ng NBI na it’s murder. Tutal under ko man ang NBI.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Under ko rin iyan, and Department of Justice (DoJ).” Eh, paano…may makakakontra pa bang kahit sinong magaling na imbestigador sa ganitong pahayag ng pangulo?

Sa isang banda, maraming pulis na tapat sa tungkulin na hindi nababahiran o namamantikaan man lang ng katas ng droga, ang pa-simpleng natutuwa. Ang ngisi nila kahit na palihim ay abot-tenga rin kasi mayroon daw pangulong handa silang ipaglaban at proteksiyunan kapag nalagay sa alanganing sitwasyon.

Walang duda, sang-ayon ako, ngunit ang nakatatakot kasi rito, ay ‘yung mga pulis na sinasabi kong sagad sa buto ang pagkabaon sa sindikato ng droga ngunit nagagawa pa ring makakuha ng mga padrinong pinaniniwalaan naman ni PRRD kaya nasasama sa mabubuting pulis na kanyang ipinaglalaban. Dito na dapat pumasok sa eksena ‘yung mga kilala ko at alam kong matitinik at retiradong counter-intelligence operative na pulis at militar na tumulong noon sa kampanya ni PRRD hanggang mahalal siyang pangulo.

Nakapaikot pa rin sila kay PRRD sa ngayon at mga nakapuwesto na... sa administrasyong ito. Karamihan sa kanila ay nasa tahimik na posisyon ngunit abot kamay lang nila si PRRD – kaya nga sila ang nakikita kong makatutulong kay PRRD para hindi magoyo ng mga pulis na nakikisakay lang sa kampanya laban sa droga upang malinis ang mga sariling bakas sa nilalakaran nila— Ano pa ba hinihintay ninyo mga sir?

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)