Disyembre 11, 1967 nang isapubliko ang unang supersonic airliner prototype na Concorde, pinasamang British-French venture, sa Toulouse, France.
Isa sa iilang commercial aircraft na gumagamit ng tailless design, ang Concorde ay isang ogival (pointed, “Gothic” arch) delta-winged aircraft na binubuo ng apat na Olympus engine. Ito ang unang airliner na may (sa kasong ito, analogue) fly-by-wire flight-control system.
Kayang magsakay ng Concorde ng tatlong cockpit crew member (dalawang piloto at isang flight engineer) at 92 hanggang 120 pasahero.
Pinangalanan ang nasabing aircraft, na sumasalamin sa kasunduan ng pamahalaan ng British at French na nauwi sa pagtatayo nito. Ito ay mula sa salitang French na “concorde” (“concord,” na walang “e,” sa English), na nangangahulugan ng “agreement, harmony, or union.”