Target ni 1Pacman Partylist Rep. Micahel ‘Mikee’ Romero na mahikayat ang Philippine Basketball Association (PBA) sampu ng mga top player ng liga na makiisa sa laban ng pamahalaan kontra droga.

Ayon kay Romero, chairman ng PBA Board at team owner ng GlobalPort Batang Pier, na nakasentro ang kontribusyon ng mga PBA player sa pagbibigay ng personal na pakikipag-usap sa pakikisalamuha sa mga drug dependent na sumasailalim sa rehabilitasyon, gayundin sa mga sumuko sa ‘Oplan Tokhang’.

Kabilang sa programa isasagawa ng PBA, ayon kay Romero ay sports clinics, gayundin ang coaching and referee seminars upang matulungan sila na mabaling ang atensyon sa pagiging coach ng basketball.

“Magsasagawa tayo ng sports clinics throughout the country. Hihikayatin natin ang mga surrenderees, gagamitin natin ang mga sikat na PBA players para magsilbing inspirasyon sa pagbabago,” sambit ni Romero, vice chairman ng House Committee on Sports and Youth Development.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

Hinikayat din niya ang pamahalaan nang buhayin ang programa ng pamahalaang Arroyo sa livelihood at job program na nagbibigay ng trabaho sa mga walang hanap-buhay, ngunit skilled worker na kumita ng P2,000 hanggang R4,000 kada buwan.

Hiniling din niya kay Pangulong Duterte ang pagbibigay ng kumpletong programa sa mga drug dependent na nagnanais nang magbagong buhay.