HONGKONG – Tumipa si Juvic Pagunsan ng tatlong sunod na birdie para sa three-under 67 at tatlong stroke ang layo sa lider sa unang round ng Hong Kong Open kahapon dito.

Tangan ng dating Asian Tour No. 1 ang even-par sa front nine, bago rumatsada sa back nine sa impresibong birdie run simula sa par-4 No.7 para patatagin ang kampanya sa prestihiyosong torneo na bahagi ng Asian Tour.

Kontrolado ni Pagunsan, dating RP No.1 mula sa Bacolod, Negros Occidental, ang bola sa ikalawang tira sa No. 7 para sa birdie putt sa layong isang talampakan.

Kasosyo ang Filipino golfer sa ika-13 puwesto kasama ang walong iba pa, na kinabibilangan ni Thailand’s Thongchai Jaidee, sa torneo na co-sanctioned ng European Tour at Asian Tour.

‘Kyle Negrito is the Key?’ Creamline malapit na mag-grand slam

Nangunguna si Rafa Cabrera Bello ng Spain sa naiskor na eagle-aided 64 para sa isang stroke na bentahe kay Sebastien Gros ng France, umiskor din ng bogey free sa Hong Kong Golf Club.

“Hong Kong, it’s a memorable tournament for me,” pahayag ni Pagunsan, sumegundo kay Jose Manuel Lara ng Spain may 10 taon na ang nakalilipas.

“I think this course, you know, if you hit like people hit straight, good putting, maybe can score very good on this course.”