SINO kaya ang blind item ni Kris Aquino na mami-meet niya sa Monday para mag-present ng project sa kanya. Post ni Kris Instagram: “I’m most excited about Monday -- thrilled that our lunch ka-meeting is actually flying in from an ASEAN country to present a project conceptualized for me.”

In the same post, ipinakita ni Kris na seryoso ang meeting niya with APT Entertainment people and her team during their planning session. Nakita namin sa picture si Direk Mike Tuviera at si Mr. Jojo Oconer na isa sa mga bossing ng APT.

Kapamilya stars ang karamihan sa maraming nagri-request kay Kris na i-guest sa FB Live. Ang tanong, payagan kayang mag-guest kay Kris sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Kim Chiu to name a few?

Nang may magkomento na hindi puwede, may sumagot na bakit daw si Vice Ganda nag-guest?

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Sa loob ng isang linggo, lumampas na sa one million views ang unang FB Live ni Kris with Maine Mendoza na ayon sa isa pa niyang post kahapon, bilang pagbibigay sa marami ring request, iinterbyuhin niya ng one-on-one. May 133,449 views naman ang FB Live ni Kris with Vice Ganda na ipinost naman last Sunday.

Hayan, nagbukas ng bagong trend si Kris sa local entertainment industry. Sana lang ituring siyang neutral at hindi isali sa network war para mai-guest niya ang sinumang i-request ng kanyang fans. (NITZ MIRALLES)