gabby-copy-copy

SA namayapang ama inihandog ni Gabby Concepcion ang napanalunang best supporting actor trophy sa Famas para sa pelikulang Crazy Beautiful You. Kinowt pa ni Gabby sa kanyang post sa Instagram ang sinabi ng ama noong pumasok siya sa showbiz.

“’Diyan ka na lang din, galingan mo na.’ --Rolando ‘Rolly’ Concepcion (my dad), 1937-2008. This is for you, Dad. I remember everything you taught me. Wish you could have been here to see all this. Love you, Dad.”

In fairness kay Gabby, habang tumatagal, lalo siyang humuhusay sa pagganap at dedicated sa kanyang trabaho. Tumatatak sa viewers ang bawat role na gampanan niya, at kahit nga may Ika-6 Na Utos nang napapanood, hindi pa rin makalimutan ng iba ang kanyang Boss Yummy character sa Because of You na pinagtambalan nila ni Carla Abellana.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bukod sa mahusay umarte, marami rin ang nakakapansin na parang hindi tumatanda si Gabby na maalaga pala sa katawan.

Nakatutuwa dahil ‘pag tinanong ng sekreto sa pagiging younger looking, agad niyang isini-share ang kanyang health regimen.

Number one ang pag-inom ng maraming tubig, may kamahalan lang ang iniinom niya dahil alkaline water. Ugaliin din daw mag-moisturizer, healthy lifestyle, exercise, eat more vegetables and fruits, enough time to sleep and always be positive.

Kaya ba, mga pare?

Anyway, tiyak na lalong sasaya si Gabby dahil maganda ang feedback ng viewers sa Ika-6 Na Utos na pinagbibidahan ng love triangle nila nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon. Maingay na agad ang Afternoon Prime ng GMA-7 dahil sa controversial na istorya at sa direction ni Laurice Guillen. (Nitz Miralles)