vilma-lang_pls-crop-copy-copy

WALANG hanggang pasasalamat ang binabanggit ng Star for All Seasons na si Vilma Santos para sa lahat ng bumubuo ng Famas. Si Ate Vi kasi ang recipient ng Presidential Award sa naturang award-giving body ngayong taon.

Mula sa Famas ang first acting award ni Ate Vi, bilang Best Child Actress para sa pelikulang Trudis Liit. Famas din ang isa sa mga unang nagkaloob sa kanya ng Best Actress award nang maging ganap na siyang aktres para sa pelikulang Dama de Noche.

“Isa ang Famas sa pinagkakautangan ko po ng loob kung bakit hanggang ngayon, eh, nandirito pa rin ako sa industriyang ito,” pahayag ni Cong. Vilma Santos-Recto.

ALAMIN: Bakit may paniniwalang ‘malas’ ang Friday the 13th?

“Sa totoo lang po, nu’ng una akong mag-umpisa sa industriya, I was nine years old at Trudis Liit, under Sampaguita Pictures at ang unang-unang best child actress award ko po, ang Famas po ang nagbigay sa akin.

“At nauna rin po akong nanalo ng best actress sa Famas, if I remember it right, Dama de Noche (1973), directed by Emmanuel Borlaza at ka-tie ko po noon si Tita Boots Anson-Roa.

“And who would think, after so many years, nabigyan din ako ng Hall of Fame and after that they gave me Circle of Excellence, kaya po napakalaki ng utang na loob ko sa Famas. At ngayon po ay binibigyan din ako ng pagkilala bilang presidential awardee.

“Sa totoo lang po, aminin man natin o hindi, ang Famas po ay isa nang institusyon. Ang Famas po, everytime na may artista, bata pa ako hanggang ngayon kapag nagpupunta ako sa mga probinsiya, kapag ikaw ay pinuri-puri na isang magaling na artista, ang sasabihin nila, pang-Famas ‘yan. So ‘yung recognition o pagkilala na ibinigay n’yo sa akin, napakahalaga ho nito para sa akin.

“Ito ay pagpapaalaala sa akin na sa napakaraming taon, hanggang ngayon, ay nandirito pa rin ako sa industriyang ito, ang industriya ng pelikulang Pilipino.

“Kahit ako ngayon ay nagsisilbi na rin sa ibang industriya, now that I am a public servant, hindi ho matatanggal sa puso ko ang pagiging artista,” madamdaming pahayag pa ng Star for All Seasons. (JIMI ESCALA)