PANGGULAT ang birthday wish ni Ruru Madrid na nagdiwang ng kanyang ika-19 na kaarawan nitong December 4.

May kinalaman sa ka-love team niya sa Encantadia na si Gabbi Garcia ang birthday wish ni Ruru, at kinakiligan ang sinabi niyang, “Sana ngayong 18 ka na, mapasaakin ka na.”

Nabigla si Gabbi sa narinig at napangiti na lang. Pero sa last interview namin kay Gabbi sa taping ng fantaserye, nabanggit niyang kahit disiotso na siya, hindi pa rin siya papayagan ng kanyang mga magulang na magkaroon ng boyfriend. Love team lang ang pinapayagan sa kanya, pero wala munang boyfriend.

Naunang nag-birthday si Gabbi noong Dec. 2 at napakaganda rin ng birthday message ni Ruru sa kapareha. Sabi niya:

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Happy birthday sa kapantay ng kagandahan ni Mama, salamat dahil lagi ka nandiyan for me, everytime na may problema ako ikaw lagi tumutulong sa akin. Promise ko sa ‘yo, sa lahat ng problems mo sa buhay lagi ako nandito for you kahit kailan, never ako mawawala sa ‘yo. I’m always here for you, promise ko din sa ‘yo, lagi kita pasasayahin everyday i love you, Ba! @_gabbigarcia Na-witness ko lahat ng achievements mo sa buhay and super proud ako sa ‘yo and I know na deserve mo lahat ng meron ka ngayon dahil super mapagmahal ka, talented, maalaga. I love you so much!”

Sa birthday message ni Ruru, nabuking na ‘Ba’ ang tawag niya kay Gabbi at kita n’yo naman, nag-I love you pa sa huli.

Samantala, may panawagan si Direk Mark Reyes sa fans ng love team nina Ruru at Alena o Team Alebarro at supporters ng tambalan nina Ruru at Kylie Padilla o Team Ybramihans sa Encantadia na nag-aaway-away.

“To both Ybramihans and Alebbaro groups. There is enough conflict happening in the world. Let’s not add to the negative energy. Both groups should co-exist competitively but respectful with one another. Otherwise, neither group will be happy. And we will be forced to place sanctions that will affect both love teams. Thank you.” (NITZ MIRALLES)