Sinamantala ng riding-in-tandem ang pagkawala ng supply ng kuryente upang barilin at patayin ang isang tricycle driver, kilalang drug surrenderee, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Joel Lising, 43, ng 21-C Magsaysay Street, Barangay 107, Tondo, Maynila, ng dalawang ‘di pa nakikilalang lalaki na kapwa nakasuot ng helmet at mabilis na tumakas sakay sa isang motorsiklo.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Manila Police District (MPD)- Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nangyari ang pamamaril dakong 5:30 ng madaling araw, sa kanto ng Herbosa St., at Magsaysay St., sakop ng Bgy. 107, Tondo.

Nakatayo umano ang biktima sa nasabing lugar at nagpapahangin nang biglang lapitan ng mga suspek at pagbabarilin.

Eleksyon

Comelec precinct finder, inirereklamo ng mga botante dahil hindi raw gumagana

Aminado naman si Gerardo, 48, kapatid ng biktima, na dating gumagamit ng ilegal na droga ang kapatid, ngunit nagbago na aniya ito.

“Walang record na pusher ‘yan (biktima). Hindi nagtutulak ‘yan, matagal nang hindi gumagamit ‘yan,” ani Gerardo.

(Mary Ann Santiago)