July 18, 2026

Home BALITA

Llamas nami-miss bardagulan, asaran nila ni PNoy

Llamas nami-miss bardagulan, asaran nila ni PNoy
Photo Courtesy: via MB

Naghayag ng pangungulila ang political pundit na si Ronald Llamas kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III para sa 5th death anniversary nito.

Sa latest Facebook post ni Llamas nitong Miyerkules, Hunyo 22, ibinahagi niya ang video clip ng talumpati kung saan humirit ito ng biro patungkol  sa kaniya.

“Si Ronald ho dapat napansin ko na 'to noon pang araw, e. Habang nagmamartsa kayo, madi-disperse. Siya po, naka-long sleeves. Ngayon po, naka-Amerikana na. Kaya 'yong sosyalista niya, sosyal na yata itong si Ronald," saad ni PNoy.

Sey tuloy ni Ronald sa caption ng post, “Boss, nami-miss ko lagi ang asaran at bardagulan natin.”

“But what I miss most is our friendship, and the honor of working with you, a simple and unpretentious man placed in an extraordinary position, who helped the nation achieve extraordinary things. Gabayan mo kami lagi. Ipagpapatuloy namin ang laban,” dugtong pa niya.

Politics

Sen. Alan, 'di raw mapigilan ang sariling gumawa ng mga intriga—Palasyo

Matatandaang nagsilbi si Ronald sa ilalim ng administrasyon ni PNoy bilang Presidential Adviser for Political Affairs mula 2011 hanggang 2016.

Sa kasalukuyan, lumalabas siya kadalasan sa mga media program para talakayin ang mga napapanahong isyung pambansa.

Maki-Balita: Sen. Bam sa 5th death anniv ni PNoy: 'Lahat ibinigay niya para sa mga Pilipino!'