DAHIL sa pagkaka-holdup sa nakatatandang kapatid na si Kim Kardashian sa Paris noong nakaraang Oktubre at pagkakaroon ng mga stalker, mahigpit ang seguridad ni Kendall Jenner sa kanyang pagtungo sa pamosong lungsod ng France nitong nakaraang linggo.

Nasa Paris ang 21-anyos na modelo para rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show, at kahit may “sky high” o televised na seguridad para sa star-studded na event, nagkaroon si Kendall ng sariling team of security at handlers.

Sa show, sabi ng kapatid ni Kim, “(I) wanted nothing to do with anyone” bukod sa kanyang BFF na si Gigi Hadid, ang kanyang hair and makeup crew, at kanyang private security.

Sa backstage, tumanggi si Jenner na makipag-usap sa press at nabalitaan na hindi niya pinansin ang isang reporter na nagtanong. Sa halip na sagutin, si Jenner ay, “just keep looking at pictures of herself on her phone.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinaliwanag ng brand spokesperson na, “The Victoria’s Secret Fashion Show is a high-profile event, and we take every precaution to ensure a safe and enjoyable experience for our team and guests no matter what city we’re in.” Gayunman, mukhang hindi nila nakumbinsi si Jenner tungkol dito.

Dumating din si Jenner sa afterparty kasama ang kanyang sariling security kahit mahigpit din ang seguridad sa lugar.

Sa kabila ng kanyang pag-aalala tungkol sa sariling kaligtasan, mukhang nagawa naman niya ang lahat at nag-enjoy siya sa lungsod. Bukod sa pagrampa, nagkaroon din siya ng oras para makakain ng burger kasama si Gigi.

Naging maayos naman ang lahat para sa batang modelo, pero wala pang nakakaalam kung ang pagdadala niya ng sariling security ay gagayahin ng iba pang mga pamosong tao na bibisita sa Paris, dahil sa pagkatakot sa terorismo at personal attacks. (Yahoo Celebrity)