BUTUAN CITY – Isang pulis na sinibak sa serbisyo at itinuturing na high-valued target (HVT) sa drug list ng Police Regional Office (PRO)-13 ang naaresto ng mga pulis sa Purok 7 Navalca, Barangay San Juan sa Surigao City.
Kinilala ni PRO-13 Director Chief Supt. Rolando B. Felix ang nadakip na si Frederick P. Cosmiano, 41, dating nakatalaga sa Surigao City Intelligence Division ng Surigao City Police, at taga-Purok 1, Bgy. Nabago, Surigao City.
Naarestong kasama ni Cosmiano si Junie E. Matin-ao, 30, kalugar ng una.
Nakumpiska mula kay Cosmiano ang P118,000 halaga ng hinihinalang shabu at marked money, habang nasamsam naman umano kay Matin-ao ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,372, marked money at drug paraphernalia.
(Mike U. Crismundo)