maja-at-paolo-copy

NAG-UMPISA na ang project na pinagbibidahan nina Maja Salvador at Paolo Avelino, ang romantic-comedy movie na I’m Drunk, I Love You. For sure, mabibigyan na naman ng malisya ang mga eksenang gagawin nila.

Huling nagkasama sina Maja at Paolo sa drama series na Bridges of Love na pinag-uusapan nang husto mula umpisa hanggang sa magtapos.

Sabi ni Paolo, bagamat marami silang ginawang adjustment ni Maja sa muling pagsasama nila, this time sa big screen na, hindi naman sila masyadong nahirapan dahil mahigit anim na buwan silang nagkasama sa Bridges of Love.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Siyempre, bilang magkasama rin kayo sa isang soap, medyo kailangan mo talagang mag-build ng connection para mas suwabe ‘yung pagtawid ng mga eksena ‘pag magkasama kayo,” wika ni Paolo.

“Palagay ko, eh, that’s one of the things about me and Maja because pareho kami na we don’t want to be branded na serious actor or pang-comedy lang ang dating. That’s why we want to be branded like this because we want to be as versatile as possible,” sey ng actor.

Dahil romantic comedy ang proyekto, may love scenes siyempre sina Maja at Paolo. Pero agad ipinaliwanag ng aktor na hindi naman daw kailangan ang mga ganoong klaseng eksena.

“Hindi naman necessary na meron kasi parang college students kami dito. As a young adult, siyempre, nae-experience mo rin ’yan sa buhay... Siyempre, gusto namin i-showcase ‘yung buhay ng young adult,” sabi pa ng actor.

Ayaw na munang magbigay ng iba pang detalye hinggil proyekto nila ni Maja si Paolo, basta’t ang alam daw niya ay maganda ang istorya at gustung-gusto na niya itong gawin agad. (JIMI ESCALA)