Sa kabila ng manaka-nakang malakas na pag-ulan, muling sumugod kahapon ang isang grupo ng mga guro sa Department of Education (DepEd) Central Office sa Pasig City upang iginiit ang agarang paglalabas ng kanilang Performance-Based Bonus (PBB).
Nag-rally ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa harap ng gate ng DepEd upang ulitin ang apela nilang apurahin ang paglalabas sa kanilang 2015 PBB at himukin ang gobyerno na tumupad na sa ipinangakong umento.
“There are only a few days left before Christmas but the PBB has not yet been released!” anang ACT. “If we do not do anything, it is unlikely that we will receive it this November,” sabi ni Raymond Basilio ng ACT.
Binatikos din ng grupo ang DepEd “[for] ignoring teachers’ plight.”
Sinabi naman ng DepEd na matatanggap ng mga guro ang kanilang mga bonus bago matapos ang taong ito.
(Merlina Hernando-Malipot)