sunshine2-copy-copy

NAGPASALAMAT si Sunshine Dizon sa magandang comment ni Direk Laurice Guillentungkol sa kanya sa presccon ng Ika-6 Na Utos. Mabuti at hindi naniwala ang director sa mga nag-warning na baka raw magkaproblema lang siya sa aktres.

“I’ve been warned by people but, when I met her and we started taping, ‘di ako nahirapan. May karakter siya, nagsa-suggest siya at okay sa akin ‘yun. At this stage, okay naman kami. I’m happy to find out na napakahusay niyang artista.

“Now I understand why her shows last. Malakas siyang artista, malawak si Sunshine, she can play any role at wide ang ibinibigay na emotion like Judy Ann Santos,” wika ni direk Laurice.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Thank you, Direk Laurice. Ang sarap pakinggan ang mga ganu’ng comment, lalo akong ginaganahang magtrabaho. Sobra akong na-touch. Part siguro ng gana ko sa trabaho ay dahil maganda ang material at sa Ika-6 Na Utos, magkakaroon na rin siguro ng change ang pananaw ng mga niloloko ng kanilang asawa na puwede na silang lumaban,” sagot ni Sunshine.

Sa Monday, December 3 na pagkatapos ng Eat Bulaga ang premiere airing ng Ika-6 Na Utos na tiyak na marami ang makaka-relate.

Samantala, nilinaw ni Sunshine na hindi ang estranged husband niyang si Timoty Tan ang nagbigay ng bahay na lilipatan nila ng kanyang dalawang anak. Ang father-in-law daw niya ang nagbigay.

“Ibinigay ang bahay dahil dito na sa Manila mag-aaral ang mga anak ko. Hindi ‘yun settlement sa kaso namin ni Tim dahil tuloy pa rin ang kaso, tuloy pa rin ang laban,” dagdag ni Sunshine. (NITZ MIRALLES)