IN less than 24 hours, umabot agad sa 373,791 views ang Facebook Live (FB Live) video nila ni Maine Mendoza na ipinost ni Kris Aquino nitong Miyekules.

Bago ang FB Live, nag-post sa Instagram si Kris ng, “Happening this afternoon. Super excited to finally have the chance to connect with all of you DAILY....#ThisIsREAL ❤” at “I’m super excited dahil manoood ako ng Enteng 10 dahil ang kasama ko ay ang matagal ko nang... it’s actually the first time I’m going to meet her.”

Nang finally magkaharap at magkausap na sila sabi ni Kris kay Maine, “Maraming salamat for doing this. Ang lamig ng kamay mo, pinapanerbiyos ba kita?” at kaagad sinagot ng dalaga ng, “Opo, medyo.”

Para siguro mapalagay ang loob sa kanya, nagkuwento ang Queen of All Media na, “Tubong Bulacan rin kami, kasi ang mga Cojuangco ‘pinanganak sa Malolos.” Kaya binanggit naman ni Maine na sa Santa Maria, Bulacan siya ipinanganak.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sinabi ni Kris na isa sa bucket list niya ang pagpunta sa Italy nang magkuwento si Maine tungkol sa panonood ni Kris sa pelikula nila ni Alden Richards (Imagine You and Me) na kinunan sa nasabing bansa.

“Talagang nasa bucket list ko, I have to go to Italy and spend my birthday there,” wika ni Kris.

Napag-usapan din na maikli lang ang exposures nina Maine at Alden sa Enteng, “Makikita kami in a few scenes lang po,” sabi ng dalaga kay Kris.

Hirit naman ng TV host, “Nakakakaba ba na ang opening n’yo ay November 30 at ang lalaki ng movies na nagbukas?”

“Oo nga po, eh,” mabilis na sagot ni Maine.

Base sa post at nabanggit ni Kris sa kanilang FB Live ay sa UP Town Center sila nanood ni Maine.

Samantala, iprinomote rin ni Kris ang bagong clothing apparel na ini-endorse niya.

“If you’ve followed my feed, you know I’ve avoided #OOTD posts. But, the heart knit top I’m wearing is part of the Christmas collection of#kamisetakrisaquino. There’s an exclusive capsule collection @zaloraph from Dec 2 to 9, then the rest of our collection will be@kamisetaph stores this December.” (REGGEE BONOAN)