SAN PABLO CITY, Laguna – Tinutugis ngayon ng pulisya ang hinihinalang mga miyembro ng “Daga-Daga” gang na nanloob sa isang bangko sa Colago Avenue, Barangay VI-E sa lungsod na ito, at tumangay sa hindi pa batid na halaga ng pera.

Sa report ng Laguna Police Provincial Office (PPO), dakong 1:00 ng hapon nitong Nobyembre 26 nang maiwang walang nakabantay sa Bank of Makati, at dumaan umano ang mga suspek sa drainage canal para makapasok.

Dakong 8:30 ng umaga na nitong Lunes nang maiulat ang insidente sa San Pablo City Police. (Danny J. Estacio)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog