kris-copy-copy

ANG intindi ng mga nakabasa ng post ni Kris Aquino last weekend, “Kris Digital” ang magiging title ng kanyang blog na ayon sa mga nauna na niyang post ay sa December na magsisimula.

Sa naturang post, nabanggit ni Kris na namili siya ng equipment for her blog.

“The new reality of my life -- buying equipment for Kris Digital. Flew here with Shayne Sarte & met up with the very helpful men from RS Video Elmer & Edwin.”

Human-Interest

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors

Sa Hong Kong namili ng equipment si Kris at isinabay na rin niya ang pagtsi-check sa restaurant na gusto nila ng kanyang business partner na dalhin sa Manila.

Napakarami nang nakaka-miss kay Kris at nagtatanungan sila kung kailan siya babalik sa screen. Mukhang lahat ng followers niya ay ayaw ma-miss ang launching ng kanyang digital show.

Nagtanung-tanong kami sa sources namin na malapit sa kampo ng Queen of All Media. Mabuti’t sinuwerte kaming may isa sa kanilang nakakaalam ng eksaktong petsa ng launching – December 3 na.

Ibig sabihin, sa Sabado na ito!

Samantala, sa sumunod na post ni Kris, ang food ng Chino Restaurant sa Hong Kong ang ipinost ni Kris na may comment siyang, “Wishing & Praying they really will expand and be in Manila soon!” Nakipagkita na rin si Kris sa dalawang chefs ng resto.

Ayon sa Google, ang Chino ay isang Mexican resto sa Hong Kong na gumagamit ng Japanese ingredients. Sabi ng mga nakakain na roon, totoo talagang napakasarap ng food nila. Kaya interesado si Kris na magbukas ng franchise sa bansa natin. (NITZ MIRALLES)