Nais ni Senator Bam Aquino na mabigyan ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at mga pribadong kumpanya ang mga taong may kapansanan.

Sa kanyang Senate Bill No. 1249, nais ni Aquino na magkaroon ng dalawang porsiyentong person with disabilities (PWDs) ang kabuuang trabahador ng isang pribado o kaya tanggapan ng pamahalaan.

“This bill seeks to guarantee the inclusion of PWDs in the workforce and provide commensurate compensation, benefits and employment terms for PWDs as any other qualified employee,” ani Aquino.

Aniya, dapat na mabigyan ng pantay na karapatan ang PWDs, kumpara sa mga walang kapansanan, at mabigyan din sila ng pagkakataon upang manilbihan sa lipunan. - Leonel M. Abasola

Teleserye

Lena, evicted na sa 'Bahay ni Righouurr;' mga legal wife, nagbunyi