melindo-copyCEBU CITY – Nakipagsabayan si Milan ‘El Metodico’ Melindo sa dekalibreng karibal at dating title contender na si Fahlan Sakkreetin, Jr. ng Thailand at hindi natinag sa harap nang nagbubunying kababayan para makopo ang panalo via unanimous decision at tanghaling ikalimang Pinoy world champion sa kasalukuyan.

Nakuha ng 28-anyos na si Melindo ang iskor na 115-113, 115-113, 117-111 para makamit ang International Boxing Federation interim world light flyweight title sa main card ng Pinoy Pride 39: Road to Redemption nitong Sabado ng gabi sa Cebu Coliseum.

Nadomina ni Melindo ang kabuuan ng kanilang 12-round fight para mahila ang karta sa 35-2-0, tampok ang 12 knockout, habang laglag si Sakkreerin Jr. sa 31-5-1.

Nakasama si Melindo sa kasalukuyang listahan ng Pinoy world champion na kinabibilangan nina Manny Pacquiao, Marlon Tapales, Johnriel Casimero at Jerwin Ancajas.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Si Melindo ang ikatlong fighter mula sa ALA Gym katulad nina two-division world champion Donnie Nietes at Merlito Sabillo.

ito ang ikatlong pagtatangka ni Melindo sa world championship matapos mabigo sa kanyang laban kontra Juan Francisco Estrada ng Mexico sa Macau noong Hulyo 27, 2013 at kontra Javier Mendoza ng Mexico noong Mayo 30, 2015 sa Mexico.

Ayon kay ALA Promotions president Michael Aldeguer, ikakasa niya si Melindo kontra IBF world light flyweight champion Akira Yaegashi ng Japan.

“As you see Joe Koizumi is here representing Yaegashi. We are going to talk about the Yaegashi-Melindo fight which Joe wants to be scheduled as soon as possible,” pahayag ni Aldeguer.

Sa supporting bout, kapwa nagwagi ang magkapatid na Jason ‘El Nino’ at Prince Albert Pagara.

Pinabagsak ni Jason sa unang round si dating world champion Jose Alfaro ng Nicaragua, habang nakuha ni ‘Prince’ Albert ang panalo via unanimous decision kontra Raymond Commey ng Ghana.

Tumibay ang karta ni Pagara, ranked No. 1 sa WBO super lightweight division, sa

40-2-0, tampok ang 25KOs at nananatiling walang talo sa loob ng limang taon.

Ibinigay ng mga huradong sina Romar Embodo, Edgar Olalo at Noel Flores ang parehong 99-91 iskor kontyra kay Commey.

Sa kabilan ng kabiguan, tumanggap ng papuri si Commey mula sa crowd bunsod nang katatagan ipinamalas laban sa liyamadong si Pagara.