Ellie at Jake
Ellie at Jake
KABALIGTARAN naman ang nararamdaman ni Jake Ejercito sa pinagdadaanan ni Michael Pangilinanpagdating sa anak naman niyang si Ellie na malaya niyang nahihiram, lalo nang magdiwang ng ikalimang taong kaarawan nito noong Nobyembre 23.

Pormal na ring naipakilala ni Jake ang anak sa amang si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada noong Oktubre 31 sa Tagaytay.

“It was unplanned, we were in Tagaytay ‘coz it was All Soul’s and All Saint’s Day and it calls perfect time, it just happened. My dad was there and Ellie and I followed,” nakangiting kuwento ni Jake.

Sa loob ng mahigit dalawang taon simula nang matiyak ng binatang ama na siya ang biological father ni Ellie ay gustung-gusto na raw niyang sabihin ito sa ama, pero walang pagkakataon at nitong Nobyembre 1 nga lang nangyari.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Better sana before pa, but you know, it calls perfect time,” sabi pa.

Ano ang naging reaction ni Erap? 

“It was tears of joy for everyone, I felt very relieved, eventually Ellie about to meet her grandfather, her daddy lolo. That’s what she calls him, daddy lolo. Very relieved and happy, finally. So it’s a good Christmas for us, for the family.”

Sa ngayon ay hindi pa naman daw napag-uusapan ni Jake at ng ina ng anak na si Andi Eigenmann kung ano ang magiging schedule ni Ellie sa holiday season.

“We haven’t talk, but I got to borrow her, once in a while, I think the last time she was with me was the day before her birthday,” say ng proud daddy ni Ellie.

Nagpapasalamat si Jake kay Andi na nahihiram niya si Ellie. 

“She does, as much as I want to, she does,” saad ng binatang ama. --Reggee Bonoan