Ni Nora Calderon

Glaiza De Castro
Glaiza De Castro
PARANG gusto nang sumuko ni Glaiza de Castro sa role ni Pirena na ginagampanan niya sa Encantadia. 

Nag-post si Glaiza sa kanyang Instagram account ng tila pagpapahiwatig na parang ayaw na niyang ipagpatuloy ang pagiging kontrabida.

“Marami na pong naiinis sa role ko bilang si Sang’gre Pirena,” saad ni Glaiza. “Malayo po kasi iyon sa tunay kong personalidad, kaya nu’ng minsan na may nabasa akong script para sa isang eksena, tila nakaramdam na ako ng pagkalungkot dahil na-realize kong napakasama na pala talaga ng character ni Pirena, kaya naluha ako nang mabasa ko ang eksenang iyon.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Marami nang ginawang kasamaan si Pirena sa kanyang mga kapatid na Sang’gre na humantong pa sa pagpatay niya kay Alena (Gabbi Garcia). Dahil sa kagustuhan niyang mabawi ang kanyang pagiging reyna ng Lireo, maging ang ama niyang si Hagorn (John Arcilla) ay pinagbabantaan din niyang patayin.

Ayon kay Cassiopea (Solenn Heusaff), matatalo lamang ni Pirena si Hagorn kapag nakipagbati at nakipagkaisa siya sa mga kapatid na sina Amihan, Alena at Danaya. 

Kaya ang tanong ngayon ng masusugid na tagasubaybay ng Encantadia, malapit na bang matapos ang galit sa puso ni Pirena at manumbalik na ang pagmamahal niya sa mga kapatid?

Napapanood ang Encantadia gabi-gabi sa GMA-7 pagkatapos ng 24 Oras.