gerald-at-kim

MASAYA si Gerald Anderson nang malamang marami pa rin ang sumusuporta sa tambalan nila ni Kim Chiu. Napakarami pa rin kasing Kimerald fans na nagpahayag ng suporta sa kanilang nalalapit na teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.

“I feel so good kasi it’s a project na makakapag-give back kami sa mga fans namin for all the years na dumaan, lagi pa rin silang nandiyan kahit sa mga pinagdaanan namin. Isa ‘to sa mga pinaka-special na project na gagawin ko in my career,” bungad ni Gerald.

Pahayag pa ng aktor, sa pagbabalik-tambalan nila ni Kim, mas mature performance na ang mapapanood ng kanilang fans.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“Ang tagal din naming love team pero kasama ko siya ngayon ulit, parang panibago. It’s a very surreal moment na ‘pag tinitignan ko siya, wow, parang bumata ulit ako ten years ago which is a good feeling. Sana ma-translate namin ‘yan sa screen,” aniya.

Higit sa lahat, happy si Gerald na naging friends silang muli ni Kim.

“Sabay kaming nagsimula, so hindi namin sasayangin ‘yung mga memories na meron kami dati,” sabi ng aktor.

Isa sa mga artista si Gerald na pinalad na tumagal ang career. Hindi siya nawawalan ng trabaho sa ABS-CBN.

“Sa bawat aspeto ng buhay ko, sobrang saya ko. Kung sasabihin ko dati na sana hindi matapos ang 2016, pero hindi, excited ako sa 2017 dahil alam kong I’m going to work harder para sa career ko, foundation ko, and lahat ng tao sa paligid ko, sisiguraduhin ko na lagi silang masaya,” makahulugang sabi niya. (ADOR SALUTA)