mikee_1-copy

NAKAKATUWA ang convo nina Ruru Madrid at Mikee Quintos sa social media na pinagpipistahan ng viewers ng Encantadia.

Nag-post kasi si Mikee ng kanyang picture at nag-comment si Ruru ng, “Ganda naman ng aking Anak!” Sumagot si Mikee ng, “Salamat sa genes, Ama.”

Sa istorya ng Encantadia, sina Ybrahim (Ruru) at Amihan (Kylie Padilla) ang mga magulang ni Lira (Mikee). Bagay daw na anak si Mikee nina Ruru at Amihan dahil pare-pareho silang magaganda.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Bagay na bagay naman talaga ang beauty ni Mikee sa Encantadia na mala-diwata ang kagandahan ng mga kasamang Sang’gre.

Kaya lang, sa itinakbo ng kuwento ng fantaserye, hindi na maganda si Lira dahil pinapangit siya ni Emre at ginawang kambing. May sungay na nga, dinumihan pa ang mukha, iniba ang boses para hindi siya makilala ng mga magulang.

Mahirap para kay Mikee ang pagbabago ng kanyang hitsura dahil mabigat ang costume pati na ang gamit na suot ng paa.

‘Tapos may prosthetics pa siya sa mukha. Pero sa kabilang banda, makakatulong ito sa kanya dahil habang baguhan pa lang siya ay naranasan na niya ang kakaibang challenge sa kanyang career.

“Nakakatuwa nga dahil ama ko rito si Ruru na two weeks lang ang tanda sa akin. Nakatulong sa amin na close kami off-cam at mas napadali sa amin na umarteng mag-ama,” sabi ni Mikee.

Ayon pa kay Mikee, nararamdaman niyang kilala na siya bilang si Lira lalo na ng mga batang Encantadiks. Marami ang nagpapa-picture sa kanya at ang labis niyang ikinatutuwa ay ang sinasabing payat pala siya sa personal.

“Ang taba ko kasi sa TV,” nakakaaliw na sabi ni Mikee. (Nitz Miralles)