Nagbukas ng honorary consulate sa Davao City ang Korean Embassy.

Pinangunahan ni Korean Ambassador Kim Jae-Shin ang opening ceremony ng konsulado nitong Nobyembre 24 at ipinakilala si Edgard Ang bilang honorary consul.

Si Chief of Protocol Jerril Santos ng Philippine Department of Foreign Affairs (DFA) ang nagprisinta ng exequatur o legal na dokumento para kilalaning consul si Ang.

Si Ang ay negosyante at tubong Davao, kung saan kabilang sa kanyang mga negosyo ang automotive dealership at fertilizer trading.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ambassador Kim na si Ang ay may matibay na dedikasyon sa kooperasyon ng Pilipinas at Korea. Si Ang din umano ang nagsisilbing koneksyon ng dalawang bansa. (Jonathan Hicap)