Mercedes Cabral
Mercedes Cabral
PINAYUHAN pala si Mother Lily Monteverde ng kanyang mga kaibigan na huwag magsasalita at huwag sasagutin ang bira sa kanya ni Mercedes Cabral na ipinost sa Facebook. Tinawag pa nitong “F_ck_ng idiot” ang Regal Entertainment producer.

Ang comment ni Mercedes ay reaksiyon nito sa interview kay Mother Lily sa presscon ng Mano Po 7: Chinoy nang sabihin ng Regal matriarch na hindi pang-Metro Manila Film Festival ang indie films. Naniniwala ang producer na may panahon para sa indie films, pero hindi sa Christmas season dahil nakakaawa aniya ang mga batang moviegoers.

Nag-comment si Mercedes ng, “Nakakaawa ang mga bata??? Sabihin mo lang e ang habol mo lang e kita ng pelikula mo. Saka bayaran mo ng maayos mga tao mo. Ni hindi ka nga makapagbayad ng matino sa mga taong nagtatrabaho sa ‘yo, e. At kayo lang ba ang may karapatan magpalabas ng pelikula tuwing Pasko? F_ck_ng idiot.”

Deleted na ang comment ni Mercedes sa Facebook, pero marami na ang nakabasa at kanya-kanya na ng comment.

James Reid, nagoyo ni Jeffrey Oh?

Tiyak na ikatutuwa ni Mother Lily na kung may mga pumabor man kay Mercedes ay mas marami ang kumampi sa kanya at ipinagtatanggol pa nga siya.

Iyon nga lang, hindi natin maririnig ang sagot ni Mother Lily sa isyu dahil pinayuhan nga siya ng mga kaibigan na huwag na huwag sasagutin si Mercedes Cabral.

Samantala, tuloy sa December 14 ang showing ng Mano Po 7 at maraming plano si Mother Lily sa promo ng pelikula na may premiere night sa December 9 sa SM Megamall. (NITZ MIRALLES)