SA pakikipagtulungan ng mga bahay-ampunan, juvenile shelter, rescue centers, at mga institution ng SPED, binigyan ng ride-all-you-can ang mahigit anim na raang mga bata mula sa 25 charity organization sa paglulunsad ng Star City ng kanilang ika-25 anibersaryo kamakailan.

Pinaghandaan din ang magic show, pagtatanghal ng Ballet Manila, parada ng mga taga-Cosplay.ph at mga mascot. Bawat isa ay nag-uwi rin ng libreng bag ng mga pasalubong at pagkain galing sa sponsor.

Full Force din ang mga opisyales ng Star City, kasama ng sales/marketing staff at mga park attendant upang tiyakin na maayos ang lahat.

Ito ang kauna-unahang pagkakatuntong sa amusement park ng karamihan sa mga bata, kaya naging maaga ang Pasko sa kanila. Nagniningning ang kanilang mga mata at matatamis ang ngiti sa kasiyahang nadama.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Noong 1991 binuksan ang Star City bilang pinag-ibayong pasyalan ng mga pamilya, halaw sa kilalang Philcite Toys and Gifts Fair. Mayroon na itong mahigit 30 na iba’t ibang rides at attractions ngayon para sa mga bibisita. Nanatili pa rin itong paborito ng madla – bata man o matanda.

Kamakailan ay binuksan din ang annex na may adventure zone na kinagigiliwan ng mga empleyado ng mga kumpanyang nagsasagawa ng team building activities. -Cristynne Tamayo