TOKYO (AP) – Nagising ang mga residente ng Tokyo nitong Huwebes sa pag-ulan ng snow o niyebe sa buwan ng Nobyembre sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit 50 taon simula 1962
Ang hindi karaniwang lamig ng hangin ang nagdala ng wet snow sa kabisera ng Japan. Iniulat ng mga meteorologist na hanggang 1 pulgada ang kapal ng niyebe na bumagsak sa Tokyo, at nagdulot ng pagkaantala sa biyahe ng pang-umagang tren.