cherie-at-dina-copy

MARAMI agad ang nag-like sa ipinost na picture ni Cherie Gil kasama si Dina Bonnevie na nilagyan nila ng caption na, “Together again! For the first time on TV! My long time friend #reunite.”

Nag-comment si Dina ng, “You’re blooming Cheeech!!! Cheers! Here’s for the best that is yet to come. Hope this reunion will make Alyas Robin Hood more exciting to watch” na sinagot naman ni Cherie ng, “Yes Dins!!! Happy to catch up. Been too long.”

Kuha ang naturang picture sa taping ng Alyas Robin Hood na may special participation si Dina bilang si Mama Daisy at regular cast si Cherie. Parehong kontrabida ang role ng dalawa at excited ang viewers na mapanood sila sa isang eksena.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang request pa nga ng viewers, isama sa eksena nila si Jaclyn Jose. First time mangyayari sa TV ito, kaya Direk Dom Zapata and GMA-7, make it happen!

Unang nagkasama sina Dina at Cherie sa Sana’y Wala Nang Wakas ng Viva Films kasama si Sharon Cuneta. Ang megastar na lang ang kulang sa picture at kumpleto na sana ang “friends” sa iconic movie na naging isa sa favorite local movie of all time ng maraming fans. (NITZ MIRALLES)