Patay ang isang pintor nang makailang beses paputukan ng kanyang kapitbahay dahil sa umano’y lihim nitong pakikipagrelasyon sa kinakasama ng huli sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Dalawang tama sa katawan ang ikinamatay ni Rodel Tayag, 36, ng No. 23 F. Victor Street, Barangay 61, makaraang pagbabarilin ni Allan Escultura, 34, ng No. 26 Leonardo St., Pasilio IV, Bgy. 61.

Ayon kay Senior Police Officer (SPO) 1 Giovanni Arcinue, case investigator, dakong 9:50 ng gabi ay nakatayo lamang si Tayag malapit sa kanyang bahay nang pagbabarilin ito ni Escultura.

Habang isang Angelo Palconit, 22, ang nadaplisan ng bala sa nangyaring insidente at sila ay isinugod sa Pasay City General Hospital. Gayunman, hindi na umabot pang buhay si Tayag.

Matapos bantaang ibabala sa kanyon vs. China: PCG spox Tarriela, bumwelta kay Rep. Marcoleta

Napag-alaman na hindi ito ang unang beses na sinaksak ni Escultura si Tayag dahil sa selos.

“Naaalala pa rin ng suspek ‘yung ginawa ng biktima pati ng kinakasama niya dahil nagkaroon daw sila ng lihim na relasyon dati pa,” ayon kay Arcinue.

Patuloy na hinahanap ng awtoridad si Escultura. (Martin A. Sadongdong)